Ikinuwento sa Facebook ni Cheska Rarugal Mayote ang kanyang karanasan at pinagdaanan sa pagkokonsumo ng softdrinks at mga pagkaen hindi masustansya. Sa loob ng dalawang taon ay ganito lang ang kanyang diet hanggang magkaroon siya ng problema sa kasulugan.
Softdrinks
Ayon kay Cheska, Noong 17 taong gulang at nasa high school pa siya, sobrang hilig niya uminom ng softdrinks at dumating sa punto na inaaraw-araw na niya ang pagkonsumo niyo. Para sa kanya ay nagbibigay ito lakas at nakakawala ng pagod paguminom siya nito. Mahilig din siya kumaen ng mga unhealthy na pagkaen. Sa sobrang takaw umano niya ay parang tipong kinakaen niya ang lahat ng pagkaen namasasarap.Nagbago ang Lahat
Dahil sa pagkonsumo ng softdrinks sa loob ng dalawang taon, isang araw napansin nalang niya na parang namanas ang kanyang binti at dumating sa punto na halos banat na banat ang kanyang balat na akala nito ay puputok na ito. Natakot siya na kung ano na ang sakit na meron siya kaya pumunta agad siya sa school clinic nila. Ayon pa sa nurse sa klinik na matagal na ng namamanas ang binti niya hindi lang niya ito napapansin at minungkahi din nito na baka may problema siya sa kidney. Nagpakunsulta na nga sila sa physician at ng makuha ang resulta sa blood at urine test niya wala naman umano siyang problema at nakampante na siya.Magkalipas na isang linggo hindi parin nawawala ang pamamanas ng binti niya, at ngayon nahihilo at nasusuka nadin siya. Bumalik siya sa klinik ng paaralan at ibinigay niya ang result niya sa dugo at ihi sa doktor ng paaralan na isang surgeon. Minungkahi nito na pumunta siya sa NKTI para macheck at mapalaboratory siya ng maayos at malaman kung anong sakit meron siya.
Umabot pa sila sa puntong magpakonsulta sa isang albularyo ngunit inabisuhan sila nito na magpatingin sa doktor.
Nang magpunta na nga sila sa OPD, nung makausap na ang doktor don marami binigay na request for laboratory at tiningnan din ang kanyang likod at sinabi na parang may tubig ang baga niya.
Mahirap Na dinaranas
Matinding sakit sa tyan at likod ang kanyang naranasan ay matinding pagmamanas ng katawan pati sa kanyang mukha na tipong hindi na siya nakadilat. Napag-alaman na nga na seryoso ang kondisyon niya. Upang mawala ang pagmamanas, kailangan ng pamilya ni Chesca na bumili ng gamot na tinatawag na Albumin. Ang maliit na bote nito ay nagkakahalaga ng 5,200 na piso.Patuloy ang Panggagamot
Patuloy ang pagturok ng mga gamot kay Chesca at unti-unting bumalik ang sigla ng kanyang katawan. Nagpasalamat din siya sa Ama nating nasa langit na binigyan siya ng lakas na malapasan ang lahat at nagpapasalamat din siya mga kaibigang tumulong sa pinansyal na estadoFULL POST
COKE PA MORE!
pls take time to read this.
2years ago 17 years old palang ako during senior high school sobrang hilig ko sa coke mismo dumating ako sa point na araw araw meron akong isang coke mismo sa bag ko kse dun ko nararamdaman na natatanggal yung pagod ko. Nahilig din ako sa siomai kse bukod sa masarap sya favorite ko din tlaga sya ng sobrang sobra. Until nag college ako and nag part time ako sa isang fast food kaya every break time naka softdrinks ako minsan coke minsan sprite and syempre panay din ako kain ng manok.
Sa sobrang takaw ko yung tipong as in lahat ng masarap kainin kinakain ko tumaba ako akala ko taba lng tlaga yun kse nga malakas ako kumain pero manas na pala yun. Pero hnd sya yung manas na lumulubog parang natural lng na bilugan yung mga legs at binti ko
January 14 2019 (19 years old nako)
Nasa school ako nun lumabas kme ng mga friends ko para mag lunch at pag dating namin sa room nagulat ako kse namanas ako bigla as in biglaan na parang puputok na sa sobrang laki yung mga binti ko. Walang ibang masakit sakin bukod tangi lng na masakit yung balat ng binti ko kse unat na unat na sya parang puputok na tlaga. Natakot nako kakaisip sa kung anong sakit ang meron ako ang sabe ng prof ko mag punta dw ako sa clinic para ma check ako dun edi nag punta nako sa clinic ang sabe sakin ng nurse sa palagay nya dw matagal nadaw yung pamamanas ko pero ngayon ko lng napansin (which is true kse di nman ako mahilig mag monitor ng katawan ko) binigyan nya ko ng waiver para makalabas ako ng school at sinabihan nya nako na baka may problema dw ako sa kidney. Pag uwi ko sa bahay tinawagan ko yung mama ko kase nasa work sya that time at sinabe ko sakanya yung nangyare. Umuwi yung mama ko at nag pa check up kme sa isa physician at binigyan nya kme ng request para mag undergo sa blood and urine test at ang sabi ng physician is sobra lng dw ako sa timbang kse ang timbang ko nun is 69kilos pero may manas nga ako nun kaya umabot ng 69kilos. Edi eto ngayon si ako todo diet kse para mabawasan yung timbang ko to the point na puro apple nlng kinakain ko.
After namin makuha yung result ng blood and urine test bumalik ulit kme dun sa physician sabe nya wala nman dw problema sa sa result. Edi nakampante nako pumasok nako sa school after 1 week kse di parin nawawala yung pamamanas ko.
Pag pasok ko sa school napunta nanaman ako sa clinic kse parang puputok nanaman yung mga binti ko tas nahihilo at nasusuka nadin ako binigyan ko ng copy ng result ng blood and urine test ko pero sakto at papunta dw dun sa ckinic ng school yung doctor edi hinintay ko sya para ma check nya din ako. Isang surgeon yung doctor sa school namin at binasa nya nga yung result ko at nag sugest sya sakin na mag punta sa NKTI para ma check at ma laboratory dw ako ng maayos at malaman tlaga kung ano yung sakit na meron ako. Niresetahan nya ko ng para sa ubo ko kse may toncilitis dw ako edi binili ko agad yun tas as in sinunod ko lahat ng instructions nya.
January 20 2019
Nag punta kme sa albolaryo kse akala na namin kinukulam ako kse lumalaki yung tyan ko tas may oras lng yung pag laki nya tas sobrang sakit nya as in. Pag dating namin sa albularyo sinabihan nya din ako na mag pa ultrasound dw ako kase may tubig dw ako sa tyan kaya lumalaki yung tyan ko edi natakot nanaman ako to the point na akala ko mamamatay nako agad kahit diko pa alam yung sakit ko.
January 21 2019
Nag punta na kme sa OPD sa tala hospital sa ph7 sa bagong silang at sobrang manas ko parin nun, nung nakausap na namin yung doctor madami syang binigay na requests for laboratory at ni check nya yung likod ko at sinabe nya nga na parang may tubig dw yung baga ko.
January 22 nag undergo nako sa mga laboratories pero sobrang tagal ng mga results.
January 30 nag pa dala nako sa mama ko sa emergency kse sobrang sakit na ng tyan at ng likod ko halos di nako makahinga tas hinihingal nadin ako. Nag pa confine nadin ako kse para ma monitor din ako ng mga doctor. Nag chill nadin ako tas para kong lalagnatin at yun pala yung sintomas ng pneumonia. Mag chill ka ng napakatagal tas after nun lalagnatin. Naka oxygen nalang ako nun kse hinahabol kona tlaga yung hininga ko as in pakiramdam ko mamamatay nako. Biruin mo isang 19 years old nagka pneumonia at nagka problema sa kidney.
january 31
Namanas na yung buong mukha ko yung tipong di nako makadilat sa sobrang bigat ng talukap ng mata ko. Tanghali nun nahimatay ako at pakiramdam ko patay nako kse puro puti nlng yung nakikita ko akala ko nasa langit nako pero salamat sa diyos at nagising pako. Sinabihan kme ng doctor na kaylangan namin bumili ng gamot na albumin na halagang tag 5200 kada isang bote wala silang ganung gamot sa hospital ng tala. Nakabili kme ng ALBUMIN para sa gabi nayon at sabi ng doctor kaylangan dw continues yung pag turok sakin ng albumin para dw mawala lahat ng manas ko (TAKE NOTE: yung tag 5200 na ALBUMIN gamot lng yun sa pamamanas) at kinabukasan nawala na yung manas sa mukha ko
Sa araw araw nakaka survive naman kme araw araw pambili ng albumin halos lahat na ng dpat tawagan para matulungan kme ginagawa na ng mama ko nung nawala na nang tuluyan yung pamamanas ko sinabihan kme ng doctor na need dw ako mag undergo sa biopsy para malaman kung ano tlaga cause ng sakit ko sa kidney kse sobrang bata kopa para dw magkasakit pero salamat sa diyos at di natuloy yung biopsy kse wala nman masakit sakin. Infection lng ang dahilan ng pamamanas ko pero kung nasa 40+ nadaw yung edad ko ay dialysis dw ang kaylangan ko.
Febraury 8 2019 na discharge nako sa hospital niresetahan kme ng doctor ng gamot para sa kidney ko at maintenance kse highblood dw ako at ang taas ng colesterole ko.
Maraming maraming salamat sa mga tumulong sakin sa pagbibigay ng pambili ko ng gamot sa araw araw hnd ko po kayo ma memention lahat pero hnd kopo makakalimutan lahat ng tulong na binigay nyo. Sa prayers ng mga family and friends ko. At nag papasalamat ako ng sobra sa AMA NATING DIYOS dahil binigyan nyako ng lakas para malagpasan lahat ng pagsubok sa buhay ko. Maraming salamat din sa mga classmates ko na nag collect sa school para makatulong lablab ko kayong lahat💕❤ Maraming salamat din kay Dra. Mendoza ng tala hospital na araw araw ako tinitignam kung may improvement ako maraming maraming salamat po.
Yung dating timbang ko na 72 kilos naging 62 kilos nlng. Bali 10kilos yung manas na dala dala ko kaya hirap na hirap nako.
Ps.Mag iingat po kayo sa mga kinakain nyo.