kamakailan lang, pinaguutos ng Pangulong Duterte na bawal na sa mga pulis ang uminom sa mga bar, nightclub at sa mga ampublikong lugar. Ayon sa DILG chief kung sinuman ang mahuli na lalabag ay mahaharap sa matinding kaparusahan.
Dati pinahayag ni DILG chief Eduardo Año, nakakahiya at masagwang umanong makita ang sino man pulis na nag-iinom sa publiko.
“Nakakahiya at masagwang makita na may mga pulis na nag-iinuman sa publiko. The job of the police requires the respect of the people, therefore they must do what it takes to gain and maintain public trust,” ani Año.
Huli sa Akto
Dalawa na namang pulis ang naaktuhang umiinom sa pampublikong lugar kahit alam na nila na pinagbabawalan na sila mismo ng Pangulong Duterte. Huli mismo sa aktwal na surveillance camera ang dalawang pulis na uminom sa isang karenderya sa Socorro ,Quezon City.Makikita ang dalawang pulis na naka sibilyan hanggang sinisita ng mga ito ng tauhan ng Counter Intelligence Task Force. Hindi na rin sila inaresto dahil nakapagbigay ito na ID at walang umanong dalang baril.
Naging regular na umano ang pagiikot ng CITF sa mga lugar noong simulang inutos ng Pangulong Duterte ang bagong panukala.
Paalala sa Pulis
Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga pulis hinggil sa mahigpit na pagbabawal ng pag-inom sa mga pampublikong lugar.Ayon sa ibang netizen, wala naman daw sigurong masama kung uminom ang mga pulis kung naka off duty at walang dalang baril, karapatan din nila yan bilang mamayan ng bansa. Basta hindi lang gagawa ng kalukuha o magdala ng kanilang baril.
Source : Youtube