Inaresto ng mga awtoridad sa Davao City ang isang pastor dahil sa pamomolestya nito sa menor de edad sa loob ng 8 taon.
Responsibilidad ng pastor ay maibigay ang espirituwal na pangangailangan ng tao nang kanyang nasasakupan na kanyang church. Nagbibigay siya ng lingguhang pangangaral, sermon at worship services.
Ang pinangangaral nila ay batay sa kasulatan ng Biblia at kanilang mga sariling interpresyon o opinion sa nakasulat dito.
May nababalitaan na rin tayong mga pastor na nasakot sa mga kaso at ibang illegal na aktibidad dito sa bansa o sa ibang bansa man.
Tulad ng pastor na si Edwin Villarin na isang 76 na taong gulang ang nahaharap ngayon sa isang kasong pangmomolestya sa isang 14 anyos na batang babae sa loob ng 8 na taon. Nahaharap siya ngayon sa kasong walang pyansa o no bail, act of lasciviousness at qualified rape.
Ayon kay Senior Supt. Alexander Tagum, direktor ng Davao City Police Office (DCPO), naaresto ang pastor noong 6:30 a.m. Huwebes, Pebrero 14. Dagdag pa nito, inaabuso na ng pastor ang bata sa edad na 6 na taon gulang pa lamang.
“Sinimulan nyang galawin yung bata when she was still six years old hanggang umabot na ito ng 14 years old. Ginawang sex slave ang bata,” sabi ni Supt. Tagum
Source : Sunstar