Ngayon araw Pebrero 7, nagdiklara ang DOH na may out sa mga lugar sa Luzon at Visayas ng tigdas (measles). Ayon sa sa kanila hindi agad na diklara ang outbreak ng measles kailangan pa nila i-validate ang mga datos bago magdiklara na may outbreak nga ng virus.
Panoorin ang buong video sa baba para may impormasyon kayo sa sakit na tigdas at kung pano ito maiiwasan o kung anong dapat gawin kung nagkaroon na ng tigdas.
Tigdas
Ang tigdas ay isang karaniwang impeksiyon sa pagkabata bago ang pasimulang bakuna laban sa tigdas. Ang mga apektadong tao ay sa simula magkakaroon ng lagnat, ubo, sipon, mapupulang mata at puting mantsa sa loob ng bibig. Ito ay sinusundan ng 3 hanggang 7 araw kinalaunan ng mapulang mantsa-mantsang pantal sa balat, na karaniwang kumakalat mula sa mukha patungo sa natitirang bahagi ng katawan. Karaniwang tumatagal ang pantal ng 4 - 7 araw, ngunit magpapatuloy ng hanggang 3 linggo na magiiwan ng kayumangging pagmamarka at paminsan-minan pinong pagbabalat ng balat. Sa mga malalang kaso, maaaring sumangkot ang baga, bituka at utak at maaaring tumuloy sa mga seryosong kahihinatnan o kahit kamatayan.Transmisyon
Maaari itong ilipat sa hangin sa pamamagitan ng pagkalat ng tilamsik ng laway o sa pamamagitan ng direktang pagkontak sa mga sekresyon mula sa ilong o lalamunan ng mga taong may impeksiyon, at hindi karaniwan, sa pamamagitan ng mga damit na nabahiran ng mga sekresyong galing sa ilong o lalamunan. Ang tigdas ay isa sa pinakanakakahawang sakit. Maaaring ipasa ng pasyente ang sakit sa ibang mga tao mula 4 araw bago hanggang 4 araw pagkatapos ng paglitaw ng pantal.Pangangasiwa
Dapat iwasan ng mga apektadong tao ang pakikipagkontak sa mga taong walang resistensiya sa sakit, lalo na ang mga may huminang resistensiya, buntis na kababaihan at sanggol. Bagaman walang espesipikong panggamot,maaaring ireseta ang mga gamot para bawasan ang mga sintomas at antibiotiko ay maaaring gamitin para gamutin ang mga komplikasyon na dulot ng bacteria.Source : Youtube