Modus: Dating Carnapper, Huli Matapos Magpanggap Na Pari para magkapera - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Modus: Dating Carnapper, Huli Matapos Magpanggap Na Pari para magkapera


Huli ang isang dating carnapper matapos magpanggap na pari para makapaningil sa bendisyon sa mga bahay-bahay o sa mga imahe ng mga santo sa Happy, Tondo Manila.

Nakasuot pa ng pangkasuotan pang pari ng mahuli ng mga awtoridad si Marlon Ponterez. Nangaalok ito sa mga residente na magbasbas sa mga bahay-bahay,tao at sa mga rebulto ng santo. Nataon din naman na fiesta sa Tondo ng Santo Bakhita kaya marami talaga ang nagpapabendisyon at maengganyo sa alok nitong pagbebendisyon kasi pari nga ang pakilala nitong suspek.

Modus

Agad naman inamin ni Ponterez sa kanyang ginagawang panloloko sa mga tao. Ayon sa kanya, nagpapastoral visit sila at magsasagawa ng blessings sa mga bahay-bahay. Ilan ngang residente ng nasabing lugar ay nakombense niyang magbayad kapalit sa pagbendisyon ng mga imahe ng santo at mga bahay naroon. Napagalaman din may nabasbashan din siya bahay na bagong gawa lang pero nanghingi siya na isang-libong piso.

Nabuking

Naghinala na ang mga residente nang mapansin nila na iniipit nito ang nakolekta niyang pera sa dalang Biblia. Nagpamodmod din siya na mga envelop na walang taktak kung saan ilalagay ang mga binayad sa kanya. Mas lalo siya nabuking dahil namimilit itong mangbasbas tapos nahihingi na malaking bayad.



Hanap-Buhay

Ayon sa suspek, magiisang taon na niya tong ginagawa sa Laguna kahit aminado na hindi siya tunay na pari at dumaan sa pagaaral o pagsasanay bilang tunay na pari.

" Ito po ay kinalakihan ko na rin dahil nong bata pa ako nagsasakristan ako sa lolo ko sa dating aglipay na nagpapabukod "

Nalaman din na pulisya na dati nakulong si Ponterez sa kasong carnapping, may mga tattoo din ito sa katawan na may desinyong mariju@na at marka na mga myembro ng sputnik gang.


Post Bottom Ad

Loading...
>