Yung viral Chinese na nagtapon ng taho sa nakaunipormeng pulis sa MRT Boni station, Sabado kaninang umaga ay nakarating na kay NCRPO Chief Guiller Eleazar. Ang Chinese National ay nasa kustodiya na ng Mandaluyong Police.
Updates
sa post ng official Facebook Page ng GMA News ang ilan larawan ng mugshots ng 23-anyos na chinese national na nagngangalang Jiale Zhang at residente ng Mandaluyong City. Inabisuhan na pala ng security guard ang babae bago pa nangyari yung eksina na ubusin ang kanyang inumin na taho. Kahit pinaliwanag na sa kanya ang protocol sa halip na sumunod nalang sa protocol, galit pa ang babae at tinapunan na nga ni Zhan ang pulis na si PO1 William Cristobal ng dala nitong taho. Dinala ito sa istasyon ng pulis sa Shaw Boulevard. At kalaunan ay inilipat sa Mandaluyong police station.Mga Kaso Naihain Laban sa Chinese National
Nahaharap si Jiale Zhang sa kasong direct assault, disobedience to agent of person in authority.Inuulan Ng Batikos ng Netizens
Hanggang ngayon patuloy ang batikos ng mga netizens sa inasal na babae at pang babastus nito sa naka unipormeng awtoridad. Hiling ng ibang mga netizen na ipa deport agad itong babae para magtanda at maging halimbawa at hindi na pamaresan ibang dayuhan.Ang pag insulto sa iba lalo na sa naka uniporme at nagpapatupad na batas ay hindi tinotolerate yan kahit sa Pinoy o banyaga man. Kasi napaka unfair naman sa mga Pilipino, tayo nga sumusunod tayo sa lahat ng patakaran na ibang bansa tapos itong mga dayuhan nandito sa bansa natin nagsisiga sigaan.
Reaksyon na mga netizen