75-Anyos na Nanay - Binugbog, sinabutan at inuntog ng sariling anak Matapos hindi pinautang ng Pera - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

75-Anyos na Nanay - Binugbog, sinabutan at inuntog ng sariling anak Matapos hindi pinautang ng Pera


Masama ang loob ng isang 75-anyos na ina sa San Manuel,Pangasinan dahil sa ginawang pananakit sa kanya ng sarili niyang anak na 41-anyos. Nagalit umano ang anak dahil hindi niya ito pinautang ng pera para pang sugal nito.

Nagtamo ng mga sugat at pasa sa ilang bahagi ng katawan ng ginang matapos bugbugin, batuhin, sinabunutan at inuntog pa ang kawawang ginang ng sariling anak.

Ayon ni nanay, ang ikinagagalit talaga ng anak ay hindi niya pinahiram ng pera ang anak. Kaya lubos ang hinanakit ni nanay sa ginawa ng anak.

"Masakit sir talaga ang anuhin ng anak. Na inalagaan mo nang ilang taon tapos malaki na sasaktan kana. Mahirap sir talaga" hinanakit ng ginang.

Batay naman sa imbestigayon ng pulis lulong na talaga sa sugal ang anak ng Ginang.

"Actually, ang asawa nito ay OFW, Na tuwing nagpapadala inuubos lang daw niya sa sugal at kapag natatalo hinihingi sa nanay niya paghindi binibigayan, yun nagagalit" -  Police Inspector Gilbert Ferrer, OIC, San Manuel Police.

Dagdag pa ng ginang, libo-libo umano ang sinusugal ng anak. At sa kabila ng nagawa ng anak ay nanaig parin ang pagmamahal na isang gina sa kanyang anak kahit ganon ang ginawa ng anak ay napatawad na umano niya ang kanyang anak. Kaya hindi na siya nagsampa ng kaso laban sa anak.
Source :  Youtube

Post Bottom Ad

Loading...
>