Isang video ngayon ang viral mula sa Cayos, Dumangas. Pinost ito RMN Iloilo Page na kung saan actual na nakunan na may nagtapon ng sanggol na nakabalot ng puting kumot sa bintana ng ikalawang palapag.
Makikita mo sa video ang isang kulay asul na bahay, at mga taong nanonood sa bintana ng bahay sa ikalawang palapag. Maya maya may ibinalot na kulay puting kumot at ang sinasabi ng iba ay nakabalot don ang 2-buwan na sanggol. Mga segundo lang ay inihagis palabas ng bintana ang nakabalot na sanggol at napahiyaw ang mga tao nang makita ang pangyayari. Subalit pagkalapit ng mga tao sa kumot at inusisa ito walang silang nakitang sanggol doon.
Ayon sa RMN, nang mainterview nila ang magulang ng sanggol, nagawa umano niyang ihagis ang bangkay ng sanggol dahil para malaman kung inaswang nga ito . Ito ay sinabi umano sa kanila ng manggagamot.
Superstitious Belief
Dagdag pa ng pamilya kahit maraming kumekwestyon sa ginawa nila, malakas ang kanilang paniniwala na ito ay naaswang at may mga bagay talagang hindi kayang maipaliwanag ng sinyensa. Dagdag pa ng pamilya, tama lang ang kanilang ginawang paghagis sa sanggol at pagsunod sa surwano o mangagamot dahil naaswang nga ito at kinuha ng aswang . Tama lang umano ang ginawa nila para hindi na madamay ang buong pamilya at maging mga kapitbahay nila.Iilang reaksyon ng mga netizen sa nakitang pangyayari
Source : Facebook