Arestado ang pulis sa isang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila kahapon, huwebes ng gabi. Ang nahuling pulis ay kinilalang si PO1 Ferdinand Rafael, 52-anyos, na nakadestino sa Manila Police District (MPD).
Huli sa Akto
Na aktuhang bumabatak pa ng ipinagbabawal na gam0t ang suspek sa loob mismo ng kanyang unit sa Calabacita Street, Sampaloc, Manila. Napagalaman din na AWOL pala itong noong 1996 at nakabalik lang sa serbisyo bilang pulis sa taong 2002.Sumailalim sa isang linggong surveillance ng mga awtoridad itong suspek matapos na may nakapaginform na sangkot ito sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gam0t.
Sermon din ang inabot ng suspek kay NCRPO director Guillermo Eleazar, hindi tulad ng ginawa niya dati sa pulis kutong, ngayon ay kalmado at mahinahon magsalita ang director at nagbigay ng kanyang pahayag at pagkadismaya sa iilang pulis na gumawa na masasamang gawain. Tulad ni P01 Ferdinand Rafael.
“Ginagawa natin ang War on Dr-gs para sa kabutihan ng lahat pero kinakailanlangan na tayo mismong miyembro ng PNP ang manguna sa pag papatupad nito, at hindi pu-pwede na may mga kasamahan tayong kagaya nito (P01 Rafael) na involve sa droga,” Sinabi ni Eleazar
“Wala ka ng pinagkaiba doon sa mga nag gagawa ng extortion na nahuhuli,” - Sinabi ni Eleazar sa suspek.
Ebidensiya
Nakuhanan ang suspek na 11 sachet ng sh@bu at may bigat itong 15 na gramo at nagkakahalaga P102K kasama ang buy-bust money o mark money. Nahaharap ang pulis ang suspek sa kasong administratibo at kriminal kabilang ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Maaari ring matanggal sa puwesto ang kaniyang commander sa kalalabasan ng imbestigasyon.Souce : Facebook