Ayon sa PhiVolcs o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mahigit anim-raan ang naitalang aftershocks matapos ang earthquake na nangyari sa Surigao Del Norte. Dahil sa earthquake swarm o maliliit na lindol na halos pareho lang ang mga lakas, nagbabala ang Phivocs na maaaring magkaroon na Magnitude 8 na lindol sa bansa.
Dagdag ng PhiVolcs, hindi talaga malalaman kung kailan darating ang lindol ang magagawa lang nila ay makalkila ang lakas na lindol. Sa panayam kay Director Renato Solidim ng PhiVolcs, pwede pa umamong magtanggal ang earthquake swarm pero hindi nila inaalis na may posibilidad talaga na magkaroon na malakas na lindol dahil sa earthquake swarm. Dapat lang umano tayo laging maghanda sa maaaring mangyari dahil kung nasa dagat umano ang lindol hindi lang pagyanig ang mararanas baka may dala pa ito tsinami.
"Yung oras kung kailan mangyayari ang malakas na lindol, hindi masasabi. Pero puwede nating matantsa kung ano ang magnitude ng bawat fault na puwedeng ipakilos ng lindol,” paliwanag ni Solidum.
“Ang sinabi namin ang pagdating sa mga trenches, ‘yung segment offshore ng Surigao provinces ay may kakayahan magdulot ng magnitude 8 na earthquake. Matagal na po naming sinasabi yan. Puwede pong maliliit na lindol lamang at puwedeng dumiretso sa malalaki. Pero posible din naman na ‘yung mga maliliit na paglindol o moderate size na earthquake ay hanggang doon na lamang,” dagdag pa ng direktor.
Kailangan Maghanda
Gayunpaman, binigyang diin ni Solidum na kahit hindi pa nila naitala ang isang pattern ng lindol na maaaring humantong sa magnitude 8 na lindol, patuloy pa rin nilang sinusubaybayan ang posibilidad at hinihimok ang mga tao na maging handa.
“Although di natin masasabi kung talagang ito’y dederetso sa ganun, sana hindi, ang kadalasan ay tumitigil lang na ganyan lang pero we don’t know so we have to be prepared always,”
Source : Facebook