Shabu, Nakakapogi umano Ayon sa nahuling Tulak ng Droga - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Shabu, Nakakapogi umano Ayon sa nahuling Tulak ng Droga


Isang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang naaresto na sabog pa, gumagamit umano siya ng dr0ga dahil pampasipag at pampapapogi.

Kamakailan lang arestado ulit ang dating tindero ng isda sa Quezon City na dati ng sangkot at nakulong dahil sa pagtutulak ng shabu. Nahuli ang suspek na si Renato Mendoza sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. Nabilhan ng operatiba ang suspek ng shabu nagkakahalangang P200, nakuhanan din ang suspek ng apat na sachet na shabu.

Dating Nakulong


Taong 2016 ng makulong si Mendoza at nakalaya lang septyembre nung nakaraang taon. Isa talaga sa nga tulak ng ipinagbabawal na gamot ang suspek sa nasabing lugar at ang kanyang mga parokyano ay mga tindero ng isda at mga tricycle driver. Pang amin ng suspek kaya siya bumalik sa pagtutulak ng shabu dahil mas malaki ang kita dito. Aminado din ang suspek na nakagamit siya ng droga ng mahuli. Ayon sa suspek, gumagamit umano siya ng shabu para pampasipag at pampapapogi. Nagbibigay din umano sa kanya ng lakas ng katawan pagnalowbat umano siya.

“Ginagamit ko ho talaga ‘yan para pagka-na-lowbatt ho ako, medyo lumakas po ulit yung katawan ko.”

Naging Viral


Naging viral ang suspek sa social media dahil sa pampapapogi tips nito. Maraming mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang pahayag. Biro pa ng iba, shabu pala ang sekritong pampapogi ngayon. Hindi na kailangan na magpafacial o magparuke kailangan lang pala gumamit lang ng bawal na gamot. Dagdag biro pa ng iba, kaya pala maraming nahuhumaling sa bawal na gamot na yan dahil yan pala ang dahilan.

Sa kabila ng War on drugs ng Pangulong Rodrigo Duterte, marami parin talaga ang malalakas ang loob na magtulak ng droga. Ang iba ay mga dating pang natokhang na pero bumalik pa rin sa dating gawi. Ganunpaman, tuloy pa din ang laban na masugpo ang talamak na pagkalat ng dr0gA sa ating bansa.

Source : Facebook 

Post Bottom Ad

Loading...
>