Ang social media ay isa sa mga paraan para makakonekta ka sa mga kaibigan at kapamilya mo sa internet. Tulad ng Facebook, marami kang makikita na sa feeds mo na mga balita, larawan ng iba't ibang tao at marami ka din makikilala at makakaibigan mga tao at kung papalarin ka, dito mo pa matatagpuan ang taong para sayo. Ngunit huwag magmakampanti sa mga taong makilala mo through online, siruraduhin mo na yung taong ka-chat mo ay totoong tao at hindi nagpapanggap lang dahil marami din mga taong mapagsamantala at gagawin ang lahat para pagkaperahan ang bibiktimáhin nito.
Tulad na nangyari sa isang menor de edad na blackmail siya ng kanyang ka-chat sa facebook. Ayon sa 16-anyos na biktimá, nagpakilala sa kanya ang isang magandang babae sa facebook dahil sa mga larawan nito ay naingganyo ang binatilyo na kausapin ito sa facebook, bukod umano sa maganda ito ay mabait pa raw itong kausap.
Talagang inakala ng biktima na totoong account ito ng babaeng ka-chat dahil umano sa sobrang dami ng larawan nito sa account. Nang makapanti na ang biktimá sa kanyang ka-chat ay dito na ito nagpadala ng hubad na larawan ang suspék at pinilit din ng suspék na magpadala ng kanyang hubad na larawan ang biktimá. Kaya nagpadala din ng kanyang hubad na larawan ang menor de edad na binatilyo sa kanyang ka-chat at makalipas ng ilang araw, may tumawag umano sa bikitmá na isang lalaki at nagpakilala itong kuya ng kanyang ka-chat. Dito na nagsimula ang pangblablackmail at pananakot sa biktimá, na kung hindi umano ito magpapadala ng pera ay ipakukulong umano ito dahil sa pambabastos sa kanyang kapatid.
Pangingikil
Dahil sa takot ng binatilyo ay nagsimula na nga itong magpadala ng pera sa ka-chat at dahil sa takot nitong makulong, humantong pa ito sa pagnanakaw ng mga alahas ng kanyang mga magulang at isinanla ang mga ito para lang may maibigay ito sa suspék. Nabisto ng mga magulang ng biktimá ang pagnanakaw ng anak dito na nila nalaman ang lahat. Umabot umano sa 400k ang nakuha ng suspék sa binatilyo.Huli sa Entrapment
Nabisto ng mga magulang ng biktimá ang krimén nang pati sila ay pagnakawan ng anak. Kaya agad nilang inireport ito sa pulisya at doon na nga nahuli ang suspék sa isang entrapment operation. Nahuli ang suspék na nagnangangalan Julius Angelo Mondragon, 20-anyos. Kahit nagsisisi na ang suspék sa kanyang ginawang ginawa, pursigido ang pamilya ng biktimá na sampahan na kaso ang suspék." Maging maingat tayo sa paggamit sa internet at sa paggamit ng social media. Kung nagpapakilala, nanghingi ng picture pinapapose ka o pinapagawa sayo yung mga bagay na alam mo naman na hindi mo pa na meet in person, huwag nating gawin. " - P/LT. COL. Grace Naparato