Magpapakasal na sana sila, Poser Lang Pala! - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Magpapakasal na sana sila, Poser Lang Pala!


Marami na talagang manloloko ngayon, gagawin na lahat ang paraan para makabiktima at magkapera. Ayon na din sa mga statistic ang kalimitan ginagamit na mga tulisan para makapanloko ay ang mga sikat na mga social media site bilang platform sa modus. At ang sikat na modus sa social media ay ang magpanggap(poser) at gumamit ng mga larawan ng ibang tao para makapangloko.

Tulad nalang na nangyari kay Cheryl Bartina, 33 na taong gulang at nagtratrabaho sa Hongkong bilang isang baby sitter. Si Cheryl ay naloko na isang poser na higit sa tatlong taon, hindi niya lubos akalaen na ang kanyang sana pakakasalan at mahal niya na lalaki ay isa palang poser. Huli na niyang nalaman na yung lalaki pala ay isa palang babae at kakilala niya ito.

Nagsimula ang Lahat


Ayon kay Cheryl noong nagpamedical siya para sa kanyang requirements papuntang Hongkong ay may nakilala siyang isang babae na nagngangalang Renerose Ogayre, nakikipagkaibigan ito sa kanya at may inirekomenda itong pinsan na lalaki para maging textmate ni Cheryl. At hindi nagtagal ay nagkaroon na sila ng relasyon ng lalaki na nagngangalang Joshua Cruz. At noon ay Akala talaga ni Cheryl na ang kausap na ay si Joshua talaga dahil boses lalaki din ito. At dumating na din ang punto na nagtiwala na siya sa lalaki at naging kampanti, at ang totoo umano ay may plano na silang magpapakasal sa pag-uwi niya.

Natuklasan


Huli ng matuklasan ni Cheryl na yung picture pala na ginamit ni Joshua Cruz ay hindi sa kanya at ang tunay na pangalan na nasa larawan ay si Vincent Montenegro, may asawa at may dalawang anak. Nalaman din ni Cheryl na ang  tunay na kausap niya na lalaki na nagngangalang Joshua Cruz at walang iba kundi si Renerose Ogayre, nagpapanggap lang ito bilang si Joshua. Nalaman niya ang lahat ng ito sa mga concern citizens na kapitbahay ni Renerose na nagsasabi na hindi talaga si Joshua ang kausap nito at may nagsasabi pa na marami umanong inuuwi na package itong si Renerose na ang sabi ay galing sa boyfriend niya sa Hongkong.

Ang matindi ay walang ka alam-alam si Vincent na ginagamit na pala ni Renerose ang larawan niya para makapangloko, huli na nitong malaman nung nagviral na sa social media at ma-itag siya ng isa sa mga pinsan niya ang post ni Cheryl. Panoorin ang buong kwento sa baba

Source : Youtube

Gusto talaga ni Idol Raffy na ipakulong itong si Renerose para maging tanda sa mga manloloko at nagpapanggap na ibang tao sa social media para makapangloko na ibang tao.


Post Bottom Ad

Loading...
>