Misis na Nagtaksil ng 4 na Beses, Ipapakulong na ng Mister - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Misis na Nagtaksil ng 4 na Beses, Ipapakulong na ng Mister


Isang malungkot na mister ang dumulog sa tanggapan ni idol Raffy Tulfo upang ireklamo ang kanyang manloloko na misis. Ayon sa mister na si Richard Sajol, sasampahan na niya ng kaso ang kayang misis matapos siyang lokohin ng apat na beses at sumama na ito sa kanyang batang kabit.


Dumulog si Richard Sajol sa programang RAffy Tulfo in Action upang sampahan ng kaso ang kanyang misis na si Anne Kris, 29 at ang kabit niyo na si Jonie Goyay ,22. Hindi na makatiis si Richard sa apat na beses na pangloloko ng kanyang asawa ay kakasohan na niya ito upang makulong at parehong maging misirable.

Ayon kay Richard, makailang beses na siyang niloloko ng kanyang misis at sa katunayan ay ito na ang pang-apat na beses na nahuli niya ang misis nang pagtataksil sa kanyan. Dahil gusto umano ni Richard na maging buo ang kanyang pamilya at ayaw niyang mawalan ng ina ang kanyang apat na anak ay tinanggap at pinatawad niya ng tatlong beses ang kanyang asawa. Ngunit ito nga sa huli ay nagtaksil na naman ang kanyang asawa at sumama na ito sa kabit at tangay pa umano nito ang pera na mahigit kumulang na 40k.

Naanakan ng Kabit


Dagdag pa ni Richard na matagal na umanong magkarelasyon ang kanyang asawa at kabit nito na si Jonie, at naniwala umano siya na tapos na ang kanilang relasyon. Tinanggap din ni Richard ang bunga ng pagkakasala ng misis at tinuring din niyang tunay na anak ang bata dahil gusto niya talaga buo ang kanyang pamilya at pinipilit niya ito na maging buo.

Sa kabila na kabaitan ni Richard ay hindi parin papaawat ang misis at nagtaksil na naman ito sa kanya. At kamakailan lamang ay nahuli umano niya ang dalawa na magkasama sa isang bodega sa disoras ng gabi. Kaya nagdilim bigla ang kanyang paningin at nasaktan nga yan ang lalaki, ngunit nakatakbo ito matapos siyang awatin ng kanyang misis.

Kasohan


Ngayon ay desidido na si Richard na kasuhan ang asawa at ang kabit nito upang makulong ang dalawa. Nasabi din ni Richard kay idol Raffy na tinangay pala nito sa pag-alis ang halos 40k na pera inutang nila para sa pagpapagawa ng kanilang bahay pati narin ang bonus at 6k na pera pambili ng kamit ng mga anak niya.

Hindi makontak ng staff ang inirereklamo na misis pati ang kabit nito kaya hindi sila makapagbigay ng kanila panig. Sinabi din ni idol Raffy na handa niyang tulungan si Richard upang makasohan ang misis nito. Nahaharap ngayon sa kasong adultery ang misis na si Anne Kris, at malakas ang posibilidad na makukulong ito dahil may malakas ebedensiya laban sa kanya at ito ang anak nito sa kanyang kabit. Aabangan nalang natin ibang bahagi ng kwento sa programa ni idol raffy tulfo.
Source : Youtube

Post Bottom Ad

Loading...
>