Babala : Bagong Modus na Kumakalat Marami ng Nabiktima. Isang biktima, P34k ang Nawala - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Babala : Bagong Modus na Kumakalat Marami ng Nabiktima. Isang biktima, P34k ang Nawala


Nagbabala na noon ang National Telecommunications Commission (NTC) sa publiko tungkol sa mga modus na kumakalat sa text. Ayon na din NTC na may apat uri ng text scam; Raffle Draw Winner Text Scam; Relative Asking for Load; Load Thief (Pasa/Kawat Load); at ang panghuli ay yung return the load mistakenly.

Ngayon, may bago na naman modus na kumakalat ang mga kawatan gamit ang parin text or tawag sa cellphone. Nagviral ang post ni Joshua Ricardel sa facebook tungkol sa isang biktima ng bagong scam. Ayon sa post ni Ricardel, meron diumanong tumawag sa biktima at nagpapanggap umano itong isang Alkalde at oorder ng 35 box ng Pizza tapos nanghihingi pa ng load na umabot umano sa P35,000. Ngunit, noong i-deniliver na ang order sa lokasyon ng pinagusapan, doon na nila nalaman na sa mismo staff na munisipyo na walang ganong order at na-scam sila.



Ganito din ang nangyari sa may-ari ng lechonan sa Butuan City. Ayon sa nabiktima, meron tumawag sa kanya at nagpapanggap umano itong personal bodyguard ng Alkalde. Nagpapaluto umano ito ng dalawang lechong Baboy para sa bisita ni Mayor Lagnada. Nagkakutob na ang biktima na na-scam siya noong humihingi na ito ng pabor na papaloadan daw niya ang tatlong taong bisita ng Alkalde. Dagdag pa ng biktima na hihingi sana siya ng downpayment pero ang alibi ng nagpapanggap na bodyguard na aasikasohin pa umano sa treasurer's office.


Maraming Netizen ang galit na galit sa mga nangyari meron din nagsasabi na nabiktima din sila ng ganitong modus. Sabi ng iba na dapat huwag agad magtiwala at huwag magpauto lalo't hindi pa ito nagbibigay ng downpayment. Huwag umanong masilaw agad sa malaking order nito dahil wala itong kasiguradohan dahil hindi mo sure na yung nagpakilalang tao ay siya talaga yun. Meron din mga Netizen na nagsasabi na dapat irehistro na umano ang mga number sa pangalan ng may-ari para hindi mangyari ang mga ganitong scam.




Anong masasabi nyo sa tungkol sa bagong modus ng mga kawatan, magiwan lang ng komento sa baba.

Source : facebook 

Post Bottom Ad

Loading...
>