Dalawang Aso, Nakipaglaban sa Isang Cobra Na ikinasawi pa ng Isa - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Dalawang Aso, Nakipaglaban sa Isang Cobra Na ikinasawi pa ng Isa


Maituturing mo talaga si bantay na Man's Bestfriend dahil sa sobrang tapat nila sa kanilang mga amo. Kaya nilang ilaalay ang sarili nilang buhay para maprotektahan ka lang sa kahit anong panganib.

Ayon din sa pag-aaral, nakakaramdam umano ang aso ng isang taong may hindi magandang intensyon o kahit anong panganib na paparating dahil sa kanilang matalas na pakiramdam at pang-amoy.

Tulad ng ginawa ng dalawang aso ito sa Kidapawan City, nakikipaglaban sila sa isang cobra at humantong pa sa pagkamatay ng isa. Makikita mo sa video na nakapasok ang cobra sa bakuran na kanilang amo, nakita ito ng dalawang aso. Dahil sa matalas nilang pakiramdam, naramdaman siguro nila may panganib itong dala kaya agad nila itong sinunggaban at pinagkakaagat. Napatay naman ang cobra ngunit sa kasamaang palad ay natuklaw pala ang itim na aso at binawian ng buhay habang ang isa naman ay natalsikan ng kamandag sa mata na ikinabulag nito.



Ayon sa may-ari ng bahay na si Jaime Selim Jr. wala umanong tao sa bahay kaya hindi nasakluluhan ang kanyang mga alagang aso. Ngunit labis naman ang pasasalamat niya sa kanyang mga aso, na dahil sa katapangan ng mga ito ay naligtas sa kapahamakan ang anak niyang babaeng isang taong gulang na mag-isang natutulog sa loob ng bahay nang tinangkang pasukin ng cobra.

Miley, thank you sa pagprotect kay Skye.. (Emoji)

#bravedachshund
#cobraattack
#thankfulbutsad

Post Bottom Ad

Loading...
>