Gustong Bagohin ni Sen. Bong Revilla Jr. ang Batas na Nagbibigay ng P100K sa mga Pilipinong Aabot ng 100-Anyos. - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Gustong Bagohin ni Sen. Bong Revilla Jr. ang Batas na Nagbibigay ng P100K sa mga Pilipinong Aabot ng 100-Anyos.


RA 10868 – Centenarian’s Act


Noong 2016 ay na aprobahan ang REPUBLIC ACT NO. 10868 o "Centenarians Act of 2016".Sa ilalim ng R.A. 10868, ang lahat ng mga Pilipino na nabubuhay na umabot ng 100 taon, na kilala bilang isang sentenaryo, ay bibigyan nilang ng gantimpala. Ito ay makakatanggap ng isang Letter of Felicitation mula sa Pangulo at isang centenarian na regalo na P100,000 kung nasa Pilipinas ka man o hindi. Bilang karagdagan, ang mga centenarians ay makakatanggap din ng isang plake ng pagkilala at isang insentibo sa pera mula sa kani-kanilang mga lungsod o munisipal na pamahalaan.

Ayon kasi sa datos ng WHO o World Health Organization na ang kalimitang haba ng buhay ng karaniwang Pilipino na lalaki ay aabot lang sa 66 na taon laman at 73 naman sa mga babae.

“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”

Ito ang katagang sinabi ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. kasunod sa pagsulong nito sa panibagong panukalang batas para para amyendahan ang Section 2 of RA 10868 of the Centenarians Act of 2016 o pagbibigay ng cash gift na P100,000 sa bawat Pilipino na makararating sa edad na 100.

Kaya nagpaisip-isip ng senador na malabong aabot ang Pilipino sa 100 na taong gulang at kung aabot man ito napakaliit ng porsiyento lamang. Sa kanyang inihain na panukala, ang P100,000 pabuya ay dapat itong hatiin ng tatlong bahagi. Ang una bahagi ay P25,000 kung umabot na ng 80 taong gulang ang benepisyaryo. Ang ikalawang 25,000 ay sa ika 90 taong gulang nito, at ang huling 50,000 kung umabot na siya ng edad na 100 taon. Sa paraang ito ay mas makikinabang ang mga lolo at lola dahil mas maaga nilang matatangap ang regalo kahit hindi man buo, dagdag suporta narin ito sa kanilang binibiling gamot.

“Kung ganito ang sitwasyon, dapat amyendahan na ang batas para pakinabangan ng ating mga matatandang kababayan ang ibinibigay na cash gift ng pamahalaan,” sabi ni Revilla.

“Dapat na pakinabangan na ng ating mga lolo at lola ang pera para maipambili ng kanilang mga pangangailangan tulad ng gamot,” dagdag niya.

Source : Abante

Post Bottom Ad

Loading...
>