Kinausap ni Manila Mayor Isko Moreno kaninang umaga ang buong kawani ng Manila Traffic at Parking Bureau. May babala ang alkalde na tatanggalin niya lahat ng myembro ng kawani kung hindi nila ilalabas o pangalanan kung sino yung MTPB enforcer na nakunang nangongotong na nagviral.
Binigyan ng alkalde na ultimatum na tatanggalin niya talaga ang lahat ng myembro kung hindi nila isusuko ang suspek na nakunang nangotong sa isang motorista na.
“Bibigyan ko kayo ng isang araw ha. ‘Pag hindi n’yo tinuro sa akin ‘yung nasa video, lahat kayo tatanggalin ko. Pag hindi kayo nagsumbong ng kasamahang nangot0ng ay damay damay tayong lahat. Dahil ang pananahimik niyo ay ang pagpayag nyo,” - Isko Moreno
Ang pananahimik nyo ay Pagpayag Ninyo
"Isang kupunan kasalanan ng lahat, paghindi kayo nagsumbong ng kapwa nyo na nangongotong, damay-damay tayong lahat. Ang pananahimik ninyo ay ang pagpayag ninyo. Kung gusto niyo ng trabaho, meron kayong trabaho. Pati ang mga benepisyong kaakibat nun, ibibigay ko sa inyo. Pero yung mangotong kayo sa isang nagkasala, nagkasala na eh, okay na eh, may mali eh.. Tatlong pasahero sa isang motor, yung tatay, nanay, anak, tiketan nyo na lang, pagkabigay ng tiket, uwi ka na, may trabaho ka na, may dignidad ka pa."
Isang Bulok Na Kamatis
Pinayuhan din ng alkalde ang mga MTPB enforcers, na mahirap na nga trabaho tapos papayag pa na sirain sila ng iisang tao lang, ang nagiisang taong ito ay parang kamatis na nabubulok sa isang kaing na kahit iisang nabubulok na kamatis lang ito ay kaya nito pabulokin ang buong kaing ng kamatis.