Pirmado na ni Pangulong Duterte ang bagong Batas na nagbibigay 20% Discount sa Pamasahe ng mga Estudyante - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Pirmado na ni Pangulong Duterte ang bagong Batas na nagbibigay 20% Discount sa Pamasahe ng mga Estudyante


Nilagdaan na ni President Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbibigay na 20 percent discount sa pasahe ng mga estudyante sa kahit anong klaseng transportasyon.

Base sa Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act, makakukuha ng ang bawat estudyante sa bansa ng discount sa pasahe nito. Kaya obiligado na ang lahat ng pampublikong sasakyan na magbigay ng 20 percent na discount sa pasahe ng mga estudyante basta makapagpakita lang itong ng school identification card i enrollment form.

Kasama sa discount ang public utility bus, mga jeepney tricycle taxi, eroplano at mga barko. Ngunit Hindi saklaw sa bagong batas ang school service, shuttle service, tourist services at iba pang may kaparehong kontrata sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang sunumang tatanggin magbigay ng discount ay maaring ireklamo sa LTFRB,
Maritime Industry Authority, Civil Aeronautics Board at Department of Transportation.



Ang hindi makakasunod sa bagong batas ay katapat na multa na o suspension ng lisensiya. P1,000 sa tricycle sa bawat paglabag; multang P1,000 sa bawat paglabag; sa jeep at bus ay magmumulta ng mula P5,000 hanggang P15,000 o posible ring makansela ang prangkisa ng mga ito. At sa transportasyon pang dagat naman tulad ng ferry boats at RoRo, may multang aabot sa P20,000 habang sa eroplano naman ay maaring pagmultahin ng hanggang P150,000.

Babala din sa mga estudyante dahil nakasaad din sa batas na may nakalaang parusa sa mga estudyante na gagamit ng mga pekeng ID o dokumento para lamang maka-discount sa pamasahe.

Source : Inquirer 

Post Bottom Ad

Loading...
>