Planong tanggalin ni President Rodrigo Duterte ang mga recruitment agencies kung palaging inaabuso ng mga agencies Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kasi sa datos, napag-alaman mangilan-ngilan recuitment agencies ang sumasamntala sa mga mahihirap na Pilipino na gustong mag-abroad para maiahon lang sa hirap ang pamilya.
“Kaya kayong mga recruitment, bilang talaga ang araw niyo. ‘Pag hindi ko kayo nadala sa usapan na maganda, brasuhan tayo, government supervision, and control because what has happened and has been happening is not acceptable to the Filipino now.” - Sinabi ng Pangulo sa Araw ng Pasasalamat for OFWs event at Camp Aguinaldo.
Hinimok ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) secretary na si Silverstre Bello III na maghanap ng agarang solusyon o magtayo umano ng Department of OFWs bago Disyembre.
“Kaya apurahin ko ‘yang Department of OFW. Bawal na ang recruitment sa abroad, sa labas. Kung gusto nila, diyan sila maglagay ng mesa. So under the supervision of government at walang horrendous charges,” ayon sa Pangulo
“By December… buong Pilipinas ‘to. Bawal na ‘yang recruitment diyan sa labas, napunta ka doon. Doon ka makipag-deal, may listahan doon, mamili ka na lang kung sinong gusto mo,” Dagdag nito
Source : Facebook