Pumanaw ang Russian boxer na si Maxim Dadashev matapos ang ilang araw na ma-coma dahil sa tinamo niya injury laban kay Subriel Matias noong Biyernes sa MGM National Harbor sa Oxon Hill, Maryland.
Kinumpirma mismo ng kanyang coach at trainer ang pagkamatay ng Russian junior welterweight fighter na si Maxim Dadashev sa edad na 28-anyos.
Itinigil na ng kaniyang trainer na si Buddy McGirt ang laban pagkatapos ng 11th round ng makita nito na grabe na ang pinsala ni Maxim sa mukha. Isinugod pa ito sa UM Prince George’s Hospital Center sa Cheverly, Maryland at sumailalim sa emergency brain surgery dahil sa hematoma o pagdurugo sa utak ngunit namatay din, ayon sa report ng ESPN.
Ang batang boxer ay may record na 13 na panalo at isang talo.
“Maxim was a terrific young man,” sambit pa ni Top Rank founder and CEO Bob Arum. “We are all saddened and affected by his untimely death.”, dagdag pa niya.
Source : AbanteBoxer Maxim Dadashev, 28, dies as a result of injuries suffered following his TKO loss Friday night to Subriel Matias.— Michael Pagano (@michaelpagano71) July 23, 2019
The video of his trainer, Buddy McGrit, telling him he wants to stop the fight is hard to watch knowing how this ended up. 🙏🏻
pic.twitter.com/t8iaW9MseK