Kamakailan, sinibak sa pwesto ni Mayor Isko Moreno ang station commander sa Lawton Police Precinct. Sa kadahilan nakita niya kung gaano kadumi ang palibot ng Bonifacio Shrine noong nagsuprise inspeksyon siya sa lugar.
Sobrang nadismaya ang Alkalde dahil ginawa ng palikuran ng mga taong nakatira doon ang bantayog ni Emilio Jacinto.
“Lahat ng puno, linisin ninyo. Tapos pinturahan niyo agad si Emilio Jacinto, kawawa naman si Emilio Jacinto eh,” ayon sa atas ng alkalde sa Department of Public Safety (DPS).
Agad din inutos ng Alkalde na i-sanitizw ang lugar at saka ito ibalik sa dati nitong hitsura bilang maayos at malinis na pasyalang parke.
At kaninang ala-una imedya ng madaling araw, muling binisita ng Alkalte ang Bonifacio Shrine na kalapit lang ng kanyang opisa. Makikitang may pagbabago sa nasabing lugar, mas malinis, maluwag at mabangon na ito ngayon. Pati mga butas na sa mga istraktura na dating ginawang lagusan ng mga tambay ay tinakpan na ngayon. Naging maganda din ito dahil kinabitan ng capiz lantern ang mga puno.
" Para maging ano toh, pang groupy at selfie area. At ito ay parang pamalit sa Luneta, gulong gulong sa damohan" - Biro ng Alkalde
Habang nag-iikot ang mayor ay napansin nito na may iilang pang basura ang lugar kaya sabi niya maglalagay siya ng trash bin sa lugar.
Ikinatuwa naman ng mga dumaraan sa bagong mukha ng Bonifacio Shrine lalo't wala silang nakikitang dumi ng tao sa paligid at hindi na ito mapanghi.