Viral Pulis na Nagwala at Nagbanta, Tinanggal na sa Pwesto - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Viral Pulis na Nagwala at Nagbanta, Tinanggal na sa Pwesto


Na-relieve na ang viral pulis na nagwala sa isang karenderya sa San Juan City. Nakarating na din kay NCRPO chief Guillermo Eleazar ang video na nagwalang pulis. Hinarap mismo ng personal ni NCRPO Eleazar ang binatang si Aaron Estrada at pinaalam dito na tinanggal sa San Juan Police si Arnulfo Ardaless at inilipat ito sa District Headquarters habang ini-imbestigahan ang insedente.

Viral Video


Napagalaman na ang binatang nakaalitan ng pulis sa karenderya ay kinilalang si Aaron Estrada, 21-taong gulang at isang call center agent. Lingid sa kaalaman ng pulis ay sekretong kinukunan na pala siya ng video ng binata habang nagwawala ito sa galit.

Matatandaan na nagwala at nagalit ang pulis dahil diumano mas inuna ng matandang tindera na asikasuhin ang order ng binata kaysa sa kanya na diumano na mas nauna naman daw siya magorder. Dagdag pa dito pilit pa nitong inaakusahan ang binata na tila inaangasan siya at walang umano itong respeto sa kanya bilang isang alagad ng batas. Maririnig din sa video na nagbitiw pa ng masasamang salita ang pulis at muntik pang arestihin ang binata sa hindi malamang dahilan.


Dahil sa nagviral ang video ay agad itong nakarating kay PNP Director General Oscar Albayalde at mismong sa page niya sinabi na pinatanggal na niya ang pulis.

FULL POST

"Para po sa inyong kaalaman ipinatanggal ko na po sa puwesto ang pulis na nag-viral sa San Juan. Sa report sa akin, kinilala siya na si PSMS Arnulfo Ardales. Nangyari ang insidente kagabi bandang alas onse sa isang sari-sari store/karinderya sa bahagi ng Aurora Blvd kanto ng R. Lagmay St. Brgy. Ermitaño, San Juan City.

Ayon sa reklamo ni Aaron Estrada, nagalit si PSMS Ardales dahil sa pambabastos umano niya habang bumibili at nagbanta sa kanya.

Agad po itong nakarating sa atin kaya agad na ipinatanggal ko sa puwesto si PSMS Ardales na ngayon ay nasa District Headquarters Service Unit ng EPD.

Patuloy po ang imbestigasyon sa insidenteng ito"


Source : Youtube , Facebook

Post Bottom Ad

Loading...
>