Lasing ng Lalaki Hinati ang Katawan ng Ka-inuman nito Gamit ang Chainsaw - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Lasing ng Lalaki Hinati ang Katawan ng Ka-inuman nito Gamit ang Chainsaw


Isang karumal-dumal ang kamatayan na sinapit ng isang 30-anyos na lalaki matapos hatiin ang katawan nito gamit ang chainsaw ng sarili nitong tiyuhin sa Brgy. Bool East, Culaba, Biliran province noong linggo, Agosto 25. Kinilala ang suspek na si Roger Paje, tiyuhin ng asawa ng biktima.

Natagpuang naliligo sa sariling dugo at hati pa ang katawan ng biktima na si Eduardo Rosquites, isang construction worker habang ang kanyang mga kamay at leeg ay nagkagutay-gutay din sa insidente.

Ayon sa unang imbestigayon ng chief of Culaba police na si Police Lt. Isidoro Ancero Jr., Nagiinoman umano ang si suspek kasama ang biktima at kasamahan nila sa trabaho na si Edgardo Cañete bago mangyari ang krimen.

Photo Source: ABS-CBN News

Ayon naman kay Cañete, nakatulog na umano sila sa sementadong sahig sa bahay suspek matapos mag-inuman. Ngunit ang hindi niya inaasahang pangyayari noong mga pasado ala-una ng hapon ay bigla siyang nagising sa malakas na ingay ng motor ng chainsaw at nang maidilat niya ang kanyang mga mata ay kitang-kita niya na hinahati ng suspek ang katawan ng biktima at sa kanyang matinding takot ay mabilis umano siyang tumalon sa bintana para na rin sa kanyang kaligtasan at iniwan ang biktima na brutal na pinaslang ng sariling tiyuhin.

Dagdag pa ng testigo, nakita niyang nanlilisik pa umano ang mata ng suspek na tila sinapian ng dyablo nang mangyari ang brutal na insidente.

Photo Source: SUNSTAR

Nang nasa presinto na ang suspek ang tugon lang nito ay nawala umano siya sa kanyang sarili kaya nagawa niya iyon sa pamangkin. At akala pa umano nito na nanaginip lamang siya at puno ng niyog ang kanyang pinutol.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek na si Roger Paje, 48-anyos at chainsaw operator.


Ano ang masasabi mo tungkol sa artikulong ito? Mag-Iwan lang ng  iyong reaksyon sa ibaba.

Source : PhilNews

Post Bottom Ad

Loading...
>