Palit-Pera M0dus na lalaki, Huli Matapos Bumalik sa Biniktimang Bakery - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Palit-Pera M0dus na lalaki, Huli Matapos Bumalik sa Biniktimang Bakery


Huli ang isang palit-pera modus na lalaki matapos bumalik sa bakery na biniktima na niya. Kuhang-kuha sa CCTV ang modus ng lalaki at kung paano nito isinagawa ang palit-pera modus.

Isang palit-pera modus na lalaki ang nahuli cam sa isang bakery sa Quezon City. Makikita sa video na kuha sa CCTV ng bakery, nagkukunwaring bumibili ng softdrinks ang isang sa isang bakery Sabado ng madaling araw. Matapos maibigay ang softdrinks ay inabutan niya ng P1,000 ang tindera pero agad lang din binawi ang perang inabot dahil mas malaking softdrinks nalang daw ang bibilhin niya. Nang maibalik ang P1,000, lingid sa kaalaman ng tindera sa kanyang pagtalikod ay mabilis palang isinilid ng lalaki ang P1,000 at pinalitan ito ng P100. Huli ng malaman ng tindera na nabiktima siya ng palit-pera modus.

Palit-Pera Modus


How does it work? Example : isang lalaki nagkukunwaring bumibili ng isang bagay na naghahalagang P50 tapos magbibigay ito ng bayad na P1,000. Habang nagbibilang ang staff o casher sa sukli biglang sasabihin nito na may maliit pala siyang bill kaya ibabalik ng staff ang P1,000 nito ngunit sa pagbalik ng pera, palihim na palang isisilid ang P1,000 at papalitan ng P100 tapos sasabihin sa casher na bakit isang P100 lang binalik ng casher. kalimitan malilito talaga ang staff at aakalaeng mali ang naiabot na pera.




Ngunit, Miyerkules ng madaling araw, muling bumalik ang lalaki akala siguro na makakaisa pa siya ngunit namukhaan pala siya ng tinderang biniktima. Sa pagkakataong ito, P500 ang ibinayad ng suspek sa binili nitong mineral water, habang naghihintay ng sukli palihim na nagpatawag ng tanod ang bantay na bakery at pagkalipas ng limang minuto dumating ang mga tanod at binitbit ang lalaki na kinilalang si Marco Leo mendoza Cruz.

Agad din Pinalaya


Agad din pinalaya ang lalaki kahit nahuli cam ang kanyang panloloko dahil ang kanyang pagkaaresto ay lagas sa reglementary period o pag-aresto ng walang warrant dahil Sabado pa ito nangyari. Ngunit, gayunpaman itinuloy parin ng biktima ang pagsasampa ng kasong swindling laban kay Cruz.

Source : Youtube

Post Bottom Ad

Loading...
>