Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal.
Ngunit, nasa 47,078 myembro nito sa Region 1 ay tinanggal sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil umano sa kanilang irregular na gawain at pag-uugali. Nasasaad kasi na dapat tuparin ng mga myembro ang mga kondisyong ng 4PS, kapag hindi nila ito nagampanan ay matatanggal sila sa listahan at hindi na kwalipikado sa 4Ps.
Ayon kasi kay spokesperson ng DSWD-Region 1 (DSWD-R1) na si Jaesem Ryan Gaces, marami umanong mga hindi kwalipikado myembro dahil sa mga paglabag nito sa ilang kondisyon ng programa.
“They have reached the maximum of third offense for their misconducts, among which are cash card pawning, gambling, drinking (alcohol) vice,” ani Gaces.
Sa datos ng DSWD-R1, mula sa mga natanggal na mga beneficiary, 24,331 dito ay mula sa Pangasinan; Ilocos Norte, 6,063; Ilocos Sur, 8,937; at 7,747 sa La Union.
Hinihikayat din ni Gaces ang publiko na magsumbong sa kanilang tanggapan tungkol sa mga beneficiaries ng programa na mga pasaway at hindi tumutupad sa kanilang alituntunin.
“The reports will be acted upon by our office provided the complaints are backed with evidence. We will conduct (an) investigation and (once) the complained beneficiary reaches third offense, they might be delisted,” saad ni Gaces
“They can no longer avail of the 4Ps’ benefits but they can still avail of other services by DSWD,” dagdag pa nito
Sa Region 1, mayroong total na 189,985 na aktibong mga kabahayan na nasa 4Ps, ayon kay Gascen.
Anong masasabi nyo tungkol sa balitang ito mag-iwan lang ng komento sa baba.
Source : Abante