Nagviral ang isang post na ibinahagi ng isang netizen sa kanyang facebook time. Ikinuwento ng poster na si Roy Escudero ang kalunos-lunos na nangyari sa kanyang tinuring na kaibigan at kasamahan niya sa isang shop.
Ayon sa kanya, hindi umano niya matiis na hindi mai-post ang nangyari sa kanyang kaibigan na si Randy Tadeo. Naaksidente umano ito sa kasagsagkan ng ulan, hindi din nya tukoy kung sinong nakaaksidente sa kanyang kaibigan. Ang hihinakit lang ni Escudero dahil namatay ang kaibigan niya dahil hindi umano ito dinala agad sa malapit na ospital na isang kilometro lang ang layo sa lugar ng insidente kasi hinahanatay pa umano ang imbestigador. Mga 1-oras umano ang lumipas bago ito isinugod sa ospital at sa kasamaang pala ay binawian nga na buhay ang kaibigan dahil napuno umano ng dugo ang baga nito. Mas mahalaga paba umano ang legal matters kaysa sa buhay.
FULL POST
Pasensya na hindi ko matiis na hindi i-post..
Sya si Randy Tadeo, kasama namin sa shop. Isang masipag na mangagawa, hindi mareklamo at kahit Linggo pumapasok sya para madagdagan ang inuuwi nya sa pamilya. Mababaw lang ang kaligayahan nya, tuwang tuwa na pag aabutan ko ng 100 pesos na tip para sa paglinis ng sasakyan ko, at mapameryenda sya na may pandesal at coke.
Nakakalungkot dahil sa araw ng Birthday nya, before 7am ayon sa wife nya, umalis sya para pumunta sa shop at para mag paalam na mag ha-half day lang sya at kukuha ng sahod para mai-treat nya ang mga anak nya sa jollibee. Kaso dina sya nakarating sa shop..
Naaksidente sya sa kalakasan ng ulan. Nakakahinagpis lang kasi buhay pa naman sya, pero almost 1 hour daw bago sya dinala sa hospital na wala pang 1 kilometer ang layo, napuno na ng dugo ang lungs nya dahil hinintay muna ang imbestigador.. Mas mahalaga ba ang Legal matters kaysa sa buhay? O mas ginusto nilang mamatay para maliit lang ang magagastos nila!?
Hindi ko kilala ang naka aksidente sakanya, pero nakakagalit, habang tinitingnan ko ang pictures na kuha ng bystanders.. pinapanuod lang sya habang untiunting namamatay. At sa huli aalokin nila ang pamilya nya ng 50k para sa settlement, at patay na sya! Kaya ko din po kayo alukin nyan, basta papayag po kayong sagasaan ko din kayo!
Randy, awang awa talaga ako sa sinapit mo.. Mahirap talagang mabuhay na mahirap sa ganitong lipunan, dahil ipinagkakait sayo ang karapatang mabuhay..😔
Sobrang nakakalungkot ang mga ganitong pangyayari dahil mas inuna pang ang legal matters bago nila dinala ito sa ospital. Sobrang nakakaawa talaga ang sinapit ni Tadeo, isang mabait na ama sa kanyang mga anak ay ganito lang ang sinapit at mismo pa sa araw ng kanyang kaarawan. Ano ba dapat unahin yung buhay o yung pagemembestiga muna.
Source : Facebook