Sa gitna ng tinatamasaan natin ngayon tungkol sa coronavirus pandemic, meron na namang umanong panibagong virus. Isang lalaki sa China's southwestern Yunnan ang namatay dahil umano sa HANTAVIRUS, ang sakit na ito ay kumakalat sa mamagitan ng mga rodent/Daga.
Namatay umano ang lalaki sa loob ng chartered bus habang nasa kalagitnaan ng byahe, papunta sana ang lalaki sa kayang tinatrabaho sa eastern Shandong. Ngunit bigla umano itong natumba.
Ayon sa report nagpositibo nga ang lalaki sa hantavirus ngunit huwag agad kayong mabahala na meron na naman bagong pandemic. Hindi tulad ng Coronavirus, ang Hantavirus ay pamilya ng mga virus na kumakalat sa pamamagitan ng ihi,dumi, at laway ng isang rodent.
Bagong Virus ba ang Hantavirus?
Hindi, kasama ito sa deseases na hemorrhagic fever with renal syndrome (HFRS) na mas kilala bilang Korean hemorrhagic fever, epidemya hemorrhagic fever, at nephropathia epidemica.
Magkapareho o magkaugnay ba ang Hantavirus at coronavirus?
Walang pong koneksyon ang dalawang virus na ito. Dahil ang dalawang virus na ito ay magkaiba ang pinagmulan, magkaiba ang kanila transmission at lalong magkaiba ang incubation period.