Dahil sa lockdown nga ngayon ang buong bansa, marami na talaga mga awtoridad na hindi na makatiis sa mga Pilipinong matitigas ang ulo kahit anong paalala nila sa mamamayan na nasa kritikal na sitwasyon ang bansa dahil sa COVID-19 pero pinapairal parin ang katigasan ng mga ulo nito. Kaya hindi natin maisisi ang nasa mga frontliners na magagalit sa kabila ng kanilang sakripisyon para sa atin.
Pinaiimbestigan na ang Manila Police District ang isa sa kanilang mga kawaning na nakuhanan pa ng video na namamalo ng mga residenteng lalabas ng kanilang bahay sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Agad naman makarating na kay MPD director Brig. Gen. Rolando Miranda ang insidente at sinabi niyang sisilipin na nila ito kung meron nga bang nalabag ang mga ito.
"Paiimbestigahan ko ito. Hindi dapat natin daanin sa init ng ulo ang pagpapatupad ng batas," aniya.
Nakuhanan ng video ang isang pulis na namamalo ng mga lumalabas sa Muslim Town (Golden Mosque) sa Quiapo, Maynila kahit pa nagpakita na ng quarantine pass ang mga residente roon. | via @zhandercayabyab #COVID19 #LuzonLockdown pic.twitter.com/7jYbkwi2j3— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) March 26, 2020
Ang video ay kuha ng isang residenteng sa Muslim Town sa Quiapo kung saan maganap ang sinabi pamamalo. Sa simula ng video maririnig mo agad ang katagang " lahat ng lalabas ng wala sa oras babaril na ". Makikita din sa video ang isang lalaki na lalabas lang sa gate ng mosque at nagpakita ito ng kanyang quarantine pass ngunit hindi ito pinagbigyan at sa halip pinalo at minura pa ito.
Iginiit ng kumuha ng video na nakasulat sa quarantine pass nila na isang tao lamang bawat pamilya ang puwedeng lumabas basta't bibili ng pagkain.
Kinilala ang pulis na si Lt. Col. Rey Magdaluyo, hepe ng Sta. Cruz Manila police station. Sinabi din ng Chairman ng Metro Manila Muslim Community For Justice ang Peace sa buong Luzon na siya mismo ang nagutos at himingi ng tulong sa mga pulis para sitahin na ang mga pasaway na residente dahil sumosobra na raw umano ang iba at ilang ulit na silang sinasaway.
Sa ilalim ng inapatupad na enchanced community quarantine, bawal ang talaga lumabas ng bahay maliban nalang kung bibili ng pagkain o gamot. At meron ding ibang barangay na nagpapatupad ng community pass para siguraduhin na isa lang talaga ang lalabas ng bahay sa bawat pamilya.
Source : Twiiter