Babaeng nagkakomplikasyon sa Panganganak, Patay matapos tinanggihan ng mga ospital - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Babaeng nagkakomplikasyon sa Panganganak, Patay matapos tinanggihan ng mga ospital



Pinaiimbestigahan ng National of National Bureau of Investigation (NBI) ang umano'y pagtanggi ng mga ospital sa isang babaeng nagkakomplikasyon sa panganganak.

Nanganak ang isang babae sa kanilang bahay sa papamagitan ng isang hilot na si Catherine Bulatao noong Biyernes. Maayos naman umanong ipinanganak ni Catherine ang sanggol pero may komplikasyon, kaya inirerekomenda na kumandrona na dahil na sa malapit na ospital si Catherine para maoperahan.

" Ang sinabi po sa akin, nang nagpaanak sa kanya na hindi na daw nila po kayang palabasin ang inunan pero yung bata nakalabas" - ani Erma Zeta, ina ng biktima

Una ngang dinala si Bulatao, na taga-Caloocan, sa Dalagan-Ciudadano Midwife Clinic pero sinabihan sila ng diritsa na kumunsulta na umano sila sa isang espesyalista.

“Ginalaw naman po siya. Pinutol ‘yong pusod noong bata tapos sabi nila hindi na raw din nila kaya, ilipat na namin ng hospital”

Ngunit marami na palang nawalang dugo kay Catherine Bulatao, ayon sa isa sa midwife.

"Matagal na po siguro nag-bleeding na siguro sa bahay kasi maputlang-maputla na siya noong dumating. Halos ‘pag tinatanong mo siya, ‘di mo na makausap, natutulog na lang, ginigising ko siya” - sabi ng isang sa mga midwife sa Dalagan-Ciudadano Midwife Clinic

"Nagkacut agad ako ng cord, after nun yung baby hiniwalay ko agad sa nanay. Pagkapa ko, ang taas noong inunan, nagtawag ako ng bantay, kasama niya, sabi ko maghanap ng sasakyan, i-transfer ng hospital kasi sobrang taas noong inunan niya " - Dagdag ng midwife

Kaya agad umanong dinala si Catherine sa sa North Caloocan Doctors Hospital, pero  sinabihan sila na lumipat sa ibang ospital dahil kulang umano ang supply ng dugo dahil kailangan na umanong salinan ng dugo si Bulatao.

Sunod silang pumunta sa Far Eastern University Hospital(FEUH) sa Quezon City pero hiningian sila ng downpayment na P30,000 para sa operasyon.

“Ang inano po namin sa kaniya, baka puwedeng i-admit niyo muna kasi uuwi nga po ‘yong manugang ko, kukuha ng pera. Ang sabi po hindi puwede. Kung puwede po, bumalik na lang po kayo ng may P30,000 po kayo. Pera ko rin po kasi dito P5,000 lang baka puwede kakong P5,000 lang muna. Hindi daw po pwede, P30,000 talaga ang inaano sa amin” sabi ni Zeta.

Lumipat nalang umano sila sa ibang ospital, pinuntahan nila Bermudez Hospital, Skyline Hospital at Grace Hospital sa Bulacan pero sinabihan umano sila na kulang sa pasibilidad ar walang available na ob gynae.

Nung lumipat sila San Jose del Monte General Hospital ay dineklarang dead on arrival na si Bulatao.

Handa namang magsampa ng reklamo ang Pamilya ng biktima sa mga ospital na tumanggi sa kanila.

"Ang hirap isipin na pera muna na mas mahalaga ‘yong pera kaysa sa buhay muna” Sabi ni John Christian Bulatao, Asawa ng biktima


Source : Youtube/ Gma7News

Post Bottom Ad

Loading...
>