Samantalang bugbog na sa pagog sa ospital nangangamba pa sila sa kanilang pamilya baka kasi maiuwi nila ang virus sa kani-kanilang bahay o lugar. Ngunit hindi ito hadlang sa ating mga matatapang na frontliners, ang katotohanan ay 24-oras na walang tigil ang mga health workers natin para asikasuhin ang mga kritical na mga pasenyente.
Isa na si Dr. Sally Mae Abelanes ng The Medical City sa Ortigas, pinahagi at ikinuwento ng doktora ang kanilang araw-araw na kinahaharap sa ospital mula nang dumating ang virus sa bansa. Sa pamamagitan ng video, ipinakita ni Dr. Sally Mae Abelanes sa GMA news ang hirap ng isang 'frontliner'. Marami na din ang natatakot na kasamahan niya sa ospital, ang iba'y hinihikayat na ng kanilang mga pamilya na iwanan pansamantala ang trabaho dahil sa pangambang pati sila'y mahawa sa kanilang mga pasyente. Kahit nga ang parents ng doktora ay pinagsabihan din siya na tumigil muna siya sa trabaho.
" Pero, ang sabi ko if I don't continue who's gonna do it. So the majority of the nurses is having also that mindset. And alam namin kung may umalis, isa man o dalawa sa amin ang umalis sunod-sunod na yan. " - Sabi ng doktora
Isa sa pinakamahira umano sa mga health workers na makitang namamaalam sa mundo ang mga COVID-19 patients na wala sa tabi ang mga kapamilya nito. Kaya sila-sila na rin ang nagdadasal para sa yumaong ang darasal para sa yumaong pasyente dahilpinagbabawalan na ang mga paring magbibigay sana ng huling basbas sapagkat maari pa silang mahawa. Baka kasi matulad sa nangyari sa Italy na marami ng paring namamatay sa COVID-19 para magbigay ng basbas sa mga yumao. Kung hindi pwede ang video call gumagamit nalang sila ng 'walkie-talkie' upang makausap o marinig man lang ng pasyente ang kapamilya at masabi manlang ang huling mensahi para rito
Pribadong ospital na nga sila pero nahihirapan na sila pano nalang kaya sa pangpublikong ospital na kulang na sa gamit at hindi pa handa sa ganito sitwasyon.
Kailangan po natin magkaisa upang masugpo at mawala natong virus sa bansa natin, dapat tayo makipagtulungan sa gobyerno at huwag na sana maging matigas ang ulo dapat sumunod tayong lahat kung anong nakakabuti sa marami.
Source : Facebook