-Kakaibang phenomenon ang nangyari sa ilang parte ng Benguet matapos nagbagsakan ang yelo mula langit.
-Ang pag-ulan ng yelo ay naganap sa Barangay Ekip sa Bokod, gayundin sa Bashoy sa bayan ng Kabayan
Kakaibang phenomenon ang nangyari sa ilang parte ng Benguet matapos nagbagsakan ang yelo mula langit.
Ayon sa iilan nakasaksi sa nasabing pangyayari, ang pag-ulan ng yelo ay naganap sa Barangay Ekip sa Bokod, gayundin sa Bashoy sa bayan ng Kabayan. Makikita mo sa video na parang snow kasi kulay puti pero totoo ay matitigas na yelo ito o tinatawag na hail.
Ayon sa kumukuha ng mga larawan, halos isang oras daw tumagal ang pag-ulan ng yelo noong huwebes. Ang hailstorm ay nabubuo lang dulot ng matinding thunderstorm sa isang lugar at maaari ring may kasamang malakas na hangin at kidlat.
Ayon naman sa Pagasa, ang nasabing pag-ulan ng maliliit na bitak ng yelo ay karaniwan na sa lugar, ngunit kadalasan ay nangyayari tuwing Mayo hanggang Hulyo.
Source : Youtube