DOH SEC Duque : Opening ng klase sa Agosto 24, Ligtas - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

DOH SEC Duque : Opening ng klase sa Agosto 24, Ligtas


Naniniwala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ligtas ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 basta’t maipatutupad ang kinakailangang minimum health standards sa mga paaralan. Ito ang panininindigan ni Duque sa matapos ganapin ang virtual Senate hearing.

Ayon sa kalihim, pinag-aaralan nila ang sitwasyon subalit sa kanilang pagtanya ay magiging ligtas naman umaon ang mga mag-aaral sa COVID-19 kahit wala pang bakuna basta susundin lang ang minimum health standards.

“Sa ngayon sa tingin namin ay ligtas kung bubuksan ang klase by August 24,”

Ang minimum health standards na tinutukoy ng DOH ay yung may physical distancing, pagsususot ng facemask, madalas na paghuhugas ng kamay,pagpapakalat ng alcohol at sanitizer gayundin pagdi-disinfect ng mga paraalan at pagkakatoon ng thermal scanner.



Ayon pa kay Duque, maraming nakatalaga na sukatan ang DepEd upang masigurado ang kaligtasan ng mga bata sa eskwelahan. At dahil wala pang bakuna para malabanan ang covid-19, iginiit ni Duque ang minimum health standards sa mga eskwelahan.

Magkakaroon ng Online Learning


Ikinakasa din ng DepED na magkakaroon nalang ng online learning alternative na kapag marami umano ang COVID-19 cases sa isang barangay ay kasama sa isasailalim sa community quarantine ang sakop na paaralan.

Ayon din kay DepEd Secretary Leonor Briones na magbubukas ang klase sa Agosto 24. Hindi din umano kakailangan ang physical attendance ng lahat ng mga magaaral. Ngunit itinuturing pa din ng ahensya bilang option ang online learning.

Taliwas naman ito sa pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang televised address. Ayon kasi sa Pangulo, hindi nito papayagan na mapapahamak ang mga studyante , hindi magbubukas ang klase hanggat walang pang bakuna sa COVID. Aniya, mas mahalaga na manatili nalang sa bahay ang mga bata at maglaro. Mas safe ang mga ito kaysa pumasok sa klase.

Source : PhilStar

Post Bottom Ad

Loading...
>