Itinuturing na bayani ang isang frontliner na namatay dahil sa Heat Stroke - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Itinuturing na bayani ang isang frontliner na namatay dahil sa Heat Stroke


Nakakalungkot na balita, nasawi ang isang frontliner volunteer dahil sa matinding init. Kinilala ang biktima na si Arvic Macarilay, 38-anyos na miyembro ng Barangay Community Action Group ng nasabing bayan. Tumutulong siya sa mga awtoridad sa paghuli ng mga lumalabag sa quarantine protocol. Si Macarilay ay isa din audio technician and DJ.

Ayon sa kaanak ng biktima, nahilo umano si Arvic habang naka-duty sa kasagsagan ng sikat ng araw noong Mayo 6. Noong dinala na si Arvic sa kanilang bahay ay wala na itong malay kaya agad rin siya isinugod sa ospital.

" Pagkababa niya ng motor, umupo siya. Sabi niya sa mga kasamahan niya, sandali lang. Tapos, yun namumutla siya tapos sinubukan na nga nila gawan ng first aid "


Nagkamalay man ito sa ospital ngunit nakaranas ito ng seizures at may kasamang papanakit ng dibdib. Ayon sa doktor, may pumutok na ugat sa ulong si Arvic, tapos nahihirapan pa umano itong huminga. Nasawi si Arvic kalaunan dahil sa heat stroke.


Samantala, si Arvic ay isa sa mga frontliner na nag-alay ng buhay dahil sa pagseserbisyon sa bayan para labanan ang coronavirus (COVID-19). Pinarangalan si Arvic dahil sa kanyang kabayanihan sa gitna ng pandemanda ng COVID-19.

Source : Youtube

Post Bottom Ad

Loading...
>