Pabirong Banat ni Harry Roque sa ABS-CBN shutdown : Supalpal kay Willie Revillame - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Pabirong Banat ni Harry Roque sa ABS-CBN shutdown : Supalpal kay Willie Revillame


Butata si Presidential Spokesman na si Harry Roque TV host-actor Willie Revillame nang magbiro siya tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.

Sa panayan ni Willie Revillame kay Roque sa programang "Wowowin" Kung saan pabiro sinabi nito sa kauna-unahang pagkakataon ay ito lang ang napapanood sa buong Pilipinas sabay singit sa ABS-CBN.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa. Alam mo, duda ko, kaya ‘yung isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan e. Oh, aminin, aminin,” Banat ni Roque.



Ngunit hindi ito sinakyang ng TV Host-actor ang biro nito, bagkus sinabi nito na huwag siyang idamay dahil malaki ang utang na loob niya sa network.

"Malaki din po ang utang na loob ko sa istasyon na yan. Do'n ako nagsimula, do'n ako nakilala, nasa puso ko pa rin 'yan. Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino. Kaya Sec, wag mo akong idamay. Baka ma-bash po ako. Nanahimik po ako," - Sabi ni Willie 

Tumugon naman si Roque ng: “Pero anyway, nag-iisa na lang kayo.”

Kaya nakiusap nalang ang Tv host na huwag na nilang pag-usapan ABS-CBN at ang prangkisa nito kundi yung kinakaharap at kinabukasan ng bansa sa pagharap sa COVID-19 krisis.

"'Wag na nating pag-usapan 'yan. Hindi natin paguusapan ang kahit ano mang prangkisa. Ang paguusapan natin dito ay 'yong ating hinaharap na kinabukasan," - Willie .

Source : Youtube

Post Bottom Ad

Loading...
>