“I will give 50-M reward kung sino ang makakap*tay kay Duterte #NoToABSCBNShutDown,”
Yan ang viral tweet ng isang netizen na si Ronnel Mas, isang guro sa Taltal Masinloc, Zambales. Kahit na nadelete na niya ang tweet niya at deactivated na rin ang account niya, pero maraming nakapag screenshot sa nasabing post.
Dahil ito ay usapin na pambansang seguridad, mabilis kumilos ang mga awtoridad at na-trace nga ang netizen na nagpost. Ayon pa netizen na si Ronald Allan Sison, tinatanggi pa una ni Mas ang nasabing tweet ngunit sa kalaunan ay inamin rin niya ito.
"Opo nagso-sorry po ako kay President Rodrigo Duterte dahil nagawa ko ang tweet na yon… hindi ko po intensyon 'yon," - Ronnel Mas
FULL POST NI Ronald Allan Sison sa Facebook
"NBI CENTRAL OFFICE ordered NBI PANGASINAN Chief Rizaldy Jaymalin to transport the suspect of "P50M REWARD SA MAKAKAPATAY KAY DUTERTE" ASAP to Manila. Tapos na ang mga duda ninyo. Hinalughog muna namin ang Dagupan City, mga posibleng lead bago namin tuluyang natunton ang kanyang kinaroroonan. After lunch kanina (May 11, 2020), nagtungo ang aming tropa sa Candelaria, Zambales para hanapin ang taong susi para masundan namin si RONNEL MAS pero wala roon ang aming sadya. Natagpuan namin ang taong susi sa Sta. Cruz, Zambales. Nagpasantabi po kami sa Brgy. Poblacion Norte Council ng Sta. Cruz at tuluyan na naming natunton ang suspect. Noong una ay todo linis sa kanyang pangalan na siya ay inosente pero tuliro. Isinama namin sa convoy ng aming tropa kasama ang kanyang mga magulang. Sa loob ng sasakyan ay binigyan namin ng palaisipan at kalaunan ay umamin dahil nakunsensya. Umamin din ang kanyang mga magulang na kahapon pa lang ay inamin na ng kanilang anak ang nagawang krimen. Hindi umano nakakain at di nakatulog ang si Ronnel Mas dahil sa mga nababasang threat sa kanyang buhay. Winasak niya ang kanyang i-Phone 8 Plus dahil sa pagkatuliro. Isinuko niya nang maayos ito bilang ebidensya. Tuloy pa rin ang karagdagang imbestigasyon."