Nagviral ngayon sa social media ang video, na kung saan pinagtulungan bugbugin ng grupo ng kalalakihan ang nag-iisa at kawawang binatilyo dahil umano sa pagnanakaw nito sa kanila. Nangyari ang insidente sa isang parang sa bayan sa Quezon.
Nagnakaw umano ang Biktima
Makikita sa video na pilit nilang pinaamin ang binatalyong bikitima sa nagawa nitong pagnanakaw umano ng cellphone at wallet sa kanila. May hinala ang grupo na ito ang kumuha dahil matapos nawala ang cellphone ay bigla naman umano itong nagkaroon ng pera na kanilang pinagtataka.
Dahil sa 'di agad nitong pag amin sa nagawang pagkakamali na siyang ikinagalit ng husto ng grupo ng kalalakihan. Maririnig mo din na sinabi ng biktima na P40 lang umano ang kanyang kinuha. Dito agad sinundok ng nakapulang short at sinundan din na mga tadyak ng mga kasama nito sa kawawang binatilyo. Hindi mabilang na suntok at tadyak ang inabot nito, dahil sa sobrang natamo ay agad ito naglupaypay na parang gulay nalang.
Umiiyak na Nagmamakaawa
Dahil nag-iisa, hindi ito pumalag at nagpasuntok nalang talaga. hinang-hinang nagmamakaawa at umiiyak ang binatilyong biktima na tigilan na nila ang kanilang pagbubugbog pero parang mga bingi itong walang naririnig. Sa isang parti ng video ay parang humupa ang tenyon, handa umanong bayaran ng binatilyo ang nawalang gamit at pera ngunit bigla na naman itong binugbog. Parang lantang gulay na ang payat na katawan ng biktima. Makikita naman sa video kung gaanong kalaki ang pinsala nito sa katawan ng biktima.
Hindi Inawat
Makikita din natin na meron din nakakatandang nanonood sa lang sa pagbubugbog ngunit hindi ito umawat bagkus pinagtatawanan pa nito ang sinapit ng biktima. Kahit maririnig din natin na meron nagbabanta na handa nilang patayin ang kawawang binatilyo. Yung isa na mas nakakatanda sa kanila na nanoond lang sa unang video ay tumadyak na din at doon na pinigilan ng ibang nakakatanda.
Galit na Galit ang mga Netizen
Dahil sa sinapit ng kawawang binatilyo ay naggagalaiti din sa galit ang mga netizen. Ayon sa kanila, kung ano man ang nagawang kasalanan ng biktima ay hindi ito sapat na rason parang gawin nila ito sa kanya. Hinihiling din nila na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima at mabigyan din ng leksyon ang mga mayayabang na grupo.
"Yayabang ng mga batang to.. Anung klaseng pagpapalaki ng magulang ang ginawa sa inyo?may magulang pba kau?mga kabataan ngaun kakaiba n tlga mga ugali...kapag ako magulang nyan humanda tlga kau pati mga magulang nyo.d nila kau napalaki ng maaus.kakagigil kau.!!!!" - Saad ng isang Netizen