San Francisco, Agusan Del Sur - Ang bilang ng kaso ng COVID-19 Positive sa rehiyon ng Caraga ay biglang umakyat ayon sa naitala ng Department of Health (DOH).
Umaabot na ngayon sa 56 na kaso sa Caraga matapos maidagdag ang 25 na katao ang nagpositibo. Lumubo ito ng 120 na porsyento mula sa 21.
Sa 25 na bagong kaso, apat dito ay returning overseas workers, 14 ay pauwi na matapos ma-stranded sa iba't ibang bahagi ng bansa, isang health worker, lima ay walang exposure sa virus o recent travel at ang pinakahuli ay galing sa Zamboanga del Sur province. Ayon na din sa DOH, 16 ng bagong kaso ay mula sa Butuan City.
Ayon kay Dr. Jose R. Llacuna Jr., DOH Caraga regional director, isa lang dito ang nagpapakita ng mild symptoms habang ang iba ay asymptomatic o walang sintomas.
Isiniwalat din ng doktor na tatlo dito ay walang travel history sa mga lugar na laganap ang transmission ng virus, dahil dito idiniklara ng doktor na may local transmission. “now declare that the city has local transmission.”
“With our current situation, we have to implement more stringent isolation and quarantine measures. All positive confirmed cases must stay in the quarantine facilities or admitted at the hospitals if they have signs and symptoms. All close contacts will also be quarantined at home for 14 days and closely monitored,” sabi ni Llacuna
Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Butuan, ang lokal na pamahalaan ay nagsagawa ng rapid diagnostic tests sa 5,885 na katao, kabilang dito ang returnees, frontlineres at mga sa naging close contacts ng mga pasyente.
Source : INQUIRER