Estudyante naghanap lamang ng cellphone signal para sa module, Natapuang wala ng Buhay - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Estudyante naghanap lamang ng cellphone signal para sa module, Natapuang wala ng Buhay


Isang Grade 7 na estudyante sa San Narciso, Quezon ang natagpuang wala ng buhay.

Wala nang saplot pang-ibaba at tadtad ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ang isang Grade 7 student sa San Narciso, Quezon na naghahanap ng signal sa cellphone para sa kanyang online class.


 

Ayon sa ulat ni JP Soriano sa "24 Oras Weekend"  ang 12-taong-gulang na si Vee Anne Banico ay nagpunta umano sa isang masiksik na bahagi ng bundok sa Barangay Punta dahil nais nito mag-online upang makausap ang gurohingil sa module.


Saad ng kanyang lolo, na nagpaalam ang kanyang apo nito biyernes ng umaga. Hinanap nila ang dalagita makaraan ang isang oras at natagpuan itong wala nang buhay, wala nang saplot sa katawan at maraming tama ng saksak sa katawan.

“‘Yung bangkay nung aking apo na nasa supalan, may mga sugat ho, may sugat ho sa leeg na sa tingin ko’y- tsaka marami pa po sa katawan,” ayon kay Vicente Banico


Nanawagan ang pamilya sa suspek na makonsensya at sumuko na para panagutan ang ginawang krimen.

“Ako naman ay nakikiusap sayo na panagutan mo ang ginawa mo sa aking apo. Sapagkat pinigil mo ang kaniyang magandang turo eh, ang future niya,” dagdag ni Vicente


Source : Gma 7

Post Bottom Ad

Loading...
>