Misis, Umakyat sa kisame ng motel matapos masundan ng mister na kasama ang kabit nitong seaman - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Misis, Umakyat sa kisame ng motel matapos masundan ng mister na kasama ang kabit nitong seaman


Kulong ngayon sa station 2 , Mandaue City Police Office ang isang misis na 40-anyos at ang kabit nitong seaman na 43-anyos.
 
Tulad ng kabit nito, ang mister pala ng babae ay isa din seaman, at may tatlo silang anak.

Ayon kay International boxing judge Edward Ligas, sa iyang programa, nagpatulong umano ang mister sa kanya dahil nasundan umano nito ang asawa at nakita na kasama ang kabit nitong seaman na papunta ng  Moonlight motel sa Mandaue City. Nakiusap din umano ang mister na kaibigan din niya na tumawag ng pulis.

 



Sabi ng Mister sa kanya, na magkasama pa umano sila ni misis sa taxi dahil papunta na daw ito sa kanyang trabaho, pero bumaba lang umano siya sa may Dumlog. Ngunit, may duda siya na pupunta ito sa kanyang kabit kaya sa pagbaba niya sa taxi ay agad din siyang sumakay ng ibang taxi at sinundan ang asawa.

Dagdag pa ni Ligas, na nakita ng mister ang sinasakyang taxi ng asawa na papunta sa pier area sa Cebu City at nakita nito na pinasakay ang kabit na seaman at tapos pumunta agad sa Moonlight Motel.

Habang nasa gate ng motel ang mister, tumawag umano ang mister kay Ligas at nakikiusap na tumawag ng pulis.





Nang Dumating ng ang mga pulis sa motel ay parang nakahinala umano ang mga ito, kaya pagdating nila sa may kwarto ay nakita nilang lumabas ang seaman na hindi kasama ang babae. Pinigilan ito ng mga pulis at pinapasok ulit ito kwarto ng motel. Nang nakapasok na sila ay wala na ang babae at may duda sila na pinatakas ang babae ngunit may narinig silang tunog sa may kisame at may butas pa ito nagulat din sila na may nahulog na dalawang sandal at doon na nila nakita ang paa ng babae. Kaya kinausap nila ang babae na bumababa doon sa pinagtataguang kisame. 




Agad namang umamin ang seaman na tatlong taon na umano silang magkarelasyon na babae, at galing pa umano siya sa Manila. Agad silang dinala ng mga pulis sa station 2, MCPO.

Sabi pa ni Ligas na nagtapat na umano ang kaibigan sa kanya noong 2017 dahil nahuli umano ito nang anak ng mag-asawa. Nakakaramdam na din umano ang kaibigan na parang nanglalamig na ang kanyang misis at kung gusto umano nitong makipagt4lik sa asawa ay maggalit-galitan umano ito.

Nakapagdisisyon na ang Mister na sampahan ng kaso ang asawa at ang kabit nitong seaman.

FULL POST

Source : Facebook DYLA CEBU

Post Bottom Ad

Loading...
>