Hindi nagustuhan ng Philippine National Police - Special Action Force (SAF) ang nasa likod ng pelikulang "Mamasapano: Now It Can Be Told" ang pelikulang ay ipinrodyus ni Atty. Topacio na tumatalakay sa kalunus-lunos na sinapit ng mga sundalong involved sa “Oplan Exodus” ng SAF noong January 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.
Ibinungyag ni Atty. Ferdinand Topacio sa isang conference na nagsampa ang SAF laban sa mga bida ng Mamasapano na sina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Paolo GUmabao at kasama ang ibang nilang cast na nagsoot ng iniporme ng kapulisan.
“Ngayon pa lang, may humaharang. Alam niyo, nakakalungkot. Eto, nakakatawa para sabihin ko sa inyo, ha,” kuwento ni Atty. Topacio sa mediacon nitong nagdaang Lunes, Setyembre 5.
Lahad pa ng abogado, “Noong una, very cooperative yung SAF. Si Gen. (Amando Clifton) Empiso yung hepe. Nu’ng nagpalit, alam n’yo ang ginawa? Idinemanda pa kami ng SAF mismo, ha?
“Yung film namin ay para i-glorify yung kabayanihan ng SAF. Idinemanda kami ng SAF! Alam niyo kung ano ang demanda? Illegal use of uniform and insignia.
“Ipinakita namin sa kanila du’n sa piskalya. Ito, may permiso kami kay Gen. Empiso. Ano ba yung mga pinagsasabi niyo? Hindi niyo yata alam ang ginagawa niyo?
“Sabi ko, ‘Nakakainsulto kayo. Idedemanda niyo pa si Paolo Gumabao? Idedemanda niyo ang mga artista namin, sina Rico Barrera? Pambihira naman kayo.
“Ang mga taong ito ay nagsakripisyo sa initan, sa maisan, para ipakita ang kabayanihan ng SAF… idedemanda niyo? Idinemanda sila sa piskalya. Ongoing pa,” ayon sa producer ng pelikula.
Hindi diumano makatarungan ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila ng PNP kahit na ang pelikulang ito ay tungkol sa kabayanihan ng SAF.
“Ang mga taong ito ay nagsakripisyo sa initan, sa maisan, para ipakita ang kabayanihan ng SAF… idedemanda niyo?’ aniya.
Nagbigay naman ng mga abogado si Topacio sa mga kinasuhan na cast ng kanyang pelikula.
Ang pelikula ay ipapalabas sa darating ng Nobyembre