Grade 8 student, Tinadtad ng saksak na kapwa menor de edad - Tambayan Ko To

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

ads

Grade 8 student, Tinadtad ng saksak na kapwa menor de edad



Pat4y ang isang lalaking Grade 8 student matapos pagsasaks4kin ng kapwa niya menor sa tulong ng iba pang teenager sa isang compound ng supermarket sa Quezon City.

Ayon sa ulat sa “Unang Balita”, nagtamo ng tatlong saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang 14-anyos na bata na si Xian Ezekiel Pastores, isang Grade 8 student. Agad naman itong sinugod sa ospital ngunit sa kasamaang palad binawian rin ng buhay.

Nangyari ang krimen sa may compound ng isang supermarket sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City nitong Setyembre 15, Huwebes ng gabi.

Kwento ng isang saksi na si Ruel Torres, nakita niya ang nagtatakbuhang kabataan at nagulat na lamang siya nang lumapit ang estudyante na biglang sinaksak ng kutsilyo.

Naaresto ang sumaksak sa biktima na isang binatilyong 15-anyos. Dinala rin sa police station ang lima pa niyang mga kasamahan na edad 14 hanggang 16.

Naaresto agad ang suspek na isang binatilyong 15-anyos na lalaki pati na ang limang kasama niyang edad 14 hanggang 16.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, kasama umano ng bikt1ma ang kanyang mga kaibigan at nakasoot pa umano ng uniporme ang bikt1ma dahil galing pa ito sa eskwelahan. Bigla lang umano sumulpot ang grupo ng mga susp3k at pinatulungan ang bikt1ma. 

Ayaw din umano magcooperate at magbigay ng CCTV ang establishmento.


Post Bottom Ad

Loading...
>