Matapos mailabas ang warrant of arrest sa kasong "acts of lasciviousness," inilipat na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Vhong Navarro sa hiwalay na reklamong panggagahâsa sa modelong si Deniece Cornejo.
Boluntaryong naman sumuko ang komedyante sa NBI matapos maglabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Court para sa naunang warrant na may recommended bail na P36,000. Pero walang piyansa ang ikalawa niyang kaso.
Mananatiling muna nakadetine ang TV host-comedian na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) habang hindi pinapayagang magpiyansa sa kasong râpe.
Ayon sa abogado ng actor-TV host na si Atty. Alma Mallonga nitong Martes, Setyembre 20, ihahain ang motion for reconsideration nitong araw o bukas, Setyembre 21.
Dagdag pa ng kampo ni Navarro, handa sila sa kasong râpe. “We are so ready. We are so eager to get on with this if this is what we need to do. Let’s confront it. Let’s just fight. My request is let us not delay. If you are so ready, you are saying you can prove your case, go ahead and do it,” pahayag pa ni Mallonga.